• su•máng

    1. 1:
      kilos para salungatín ang isang tao sa pa-raang tíla makikipag-away
    2. 2:
      anumang yerba, ritwal, o orasyon na pangontra sa masasamâng espiritu o kagát ng ahas
  • yá•kap

    1. :
      aksiyon na nagpapakíta ng pagmamahal sa isang tao o bagay, sa pamamagitan ng pagsasalikop dito ng dalawang braso
  • sú•mang mor•yé•kos

    1. :
      suman na gawâ sa galapong at may halòng giniling na ube at ibinabalot sa dahon na parang túbo
  • sú•mang mo•rón

    1. :
      sumang popular sa Leyte-Samar, may halòng gata ng niyog at keso